PESANTE NEWS
June 18, 2009

BAKBAKAN NG AFP AT MILF, TUMITINDI

Los Angeles- Tumitindi ang bakbakan ng MILF laban sa AFP ganoon din ang iba’t ibang pwersang military tulad ng NPA na lumalaban sa rehimeng US-Arroyo.

Ayon sa mga balitaan na nakuha ng PESANTE NEWS, mahigit 15 tropa ng AFP ang napatay at mahigit 38 ang nasugatan sa matinding labanan sa probinsya ng Maguindanao ng maglaban ang mga tropa ng MILF sa ilalim nila Commander Umbra Kato at Bravo laban sa 10th Army division.

Sa isla ng Sulu, pitong Marines at mahigit 15 tropa ng army at PNP ang napatay sa isang labanan sa pagitan ng Abu Sayaff at AFP. Iniulat mismo ito ni General Juancho Sabban ng Philippine Marines. NAsa Sulu ang mga tropang military ng United States na tumutulong laban sa mga bandidong grupong Abu Sayaff.

Tumintindi ang mga Taktikal na Opensiba ng NPA

Samantala, sa ibang panig ng bansa, tumitindi ang taktikal na opensiba na inilulusad ng NPA laban sa mga tropang militar.

Kamakailan lang, napatay ng NPA ang isang 2Lt. Charlie Salcedo sa isang tambsang sa Davao Del Norte. Sunud-sunod na pananalakay ang ginawa ng NPA sa mga probinsya ng Mindanao kasabay ng mga pagatake ng MILF sa kabilang larangan.

Sa Bicol. Sunod –sunod na tambang at mga reyd ang ginawa ng NPA sa mga probinsya ng Camarines Sur, Sorsogon at isla ng Masbate. Sa isang pagkakataon, nasugatan sa isang ambus ang mga tropang Amerikano na sumasama ssa clearing operations sa Oplan BALIKATAN sa Bicol.

Binigo din ng NPA at binigwasan ang mga tropa ng AFP sa isla ng Samar. Sunud-sunod na mga taktikal na opensiba ang pinalasap ng NPA sa East Visayas Command. Doon nangaling ang bagong AFP Chief of Staff na si General Victor Ibrado.

Muling sumisigla ang mga labanan sa kanayunan. Wari bang sumasabay ito sa malalaking kilos masa na nagaganap laban sa mga maitim na pakana ng Rehimeng US-Arroyo na baguhun ang saligambatas ng 1987 sa kanilang pakanang Charter Change at Conass.

******