PESANTE NEWS
June 22, 2009

LABANAN NG AFP AT MILF, TUMITINDI

Los Angeles- Mahigit 100 katao kapwa sa MILF at AFP ang napatay sa tumitinding labanan ng MILF laban sa AFP ganoon din ang iba’t ibang pwersang military tulad ng NPA na lumalaban sa rehimeng US-Arroyo.

Ayon sa mga bagong balita na nakuha ng PESANTE NEWS mula sa Pilipinas, mahigit na 100 tropa ng AFP at MILF ang napatay at mahigit 38 ang nasugatan sa matinding labanan sa probinsya ng Maguindanao ng maglaban ang mga tropa ng MILF sa ilalim nila Commander Umbra Kato at Bravo laban sa 10th Army division. Tumitindi ang bakbakan ng MILF laban sa AFP ganoon din ang iba’t ibang pwersang military tulad ng NPA na lumalaban sa rehimeng US-Arroyo.

Sa isla ng Sulu,Basilan at sa probinsya ng Zamboanga , may 15 Marines at mahigit 30 tropa ng army at PNP ang napatay sa magkakasunod na labanan sa pagitan ng Abu Sayaff at AFP. Iniulat mismo ito ni General Juancho Sabban ng Philippine Marines. NAsa Sulu ang mga tropang military ng United States na tumutulong laban sa mga bandidong grupong Abu Sayaff.

Tumintindi ang mga Taktikal na Opensiba ng NPA

Samantala, sa ibang panig ng bansa, tumitindi ang taktikal na opensiba na inilulusad ng NPA laban sa mga tropang militar.

Kamakailan lang, napatay ng NPA ang isang 2Lt. Charlie Salcedo sa isang tambsang sa Davao Del Norte. Sunud-sunod na pananalakay ang ginawa ng NPA sa mga probinsya ng Mindanao kasabay ng mga pagatake ng MILF sa kabilang larangan.

Sa Hilagang Luzon, sunud-sunod na labanan ang naganap sa pagitan ng NPA at ng AFP sa mga probinsya ng Abra, Cagayan at sa Aurora.

Sa Bicol. Sunod –sunod na tambang at mga reyd ang ginawa ng NPA sa mga probinsya ng Camarines Sur, Sorsogon at isla ng Masbate. Sa isang pagkakataon, nasugatan sa isang ambus ang mga tropang Amerikano na sumasama ssa clearing operations sa Oplan BALIKATAN sa Bicol.

Binigo din ng NPA at binigwasan ang mga tropa ng AFP sa isla ng Samar. Sunud-sunod na mga taktikal na opensiba ang pinalasap ng NPA sa East Visayas Command. Doon nangaling ang bagong AFP Chief of Staff na si General Victor Ibrado.

Sa wari, muling sumisigla ang mga labanan sa kanayunan. Wari bang sumasabay ito sa malalaking kilos masa na nagaganap laban sa mga maitim na pakana ng Rehimeng US-Arroyo na baguhun ang saligambatas ng 1987 sa kanilang pakanang Charter Change at Conass.

*****